Urbi et Orbi ni Papa Francis (Pagbabasbas mula sa Santo Papa)
ika-12 ng Abril 2020, Linggo ng Pagkabuhay"Sa mga panahon ngayon, ang buhay ng milyun-milyong tao ay biglang nagbago. Para sa marami, ang pagtigil sa tahanan sa panahon ng krisis ay isang pagkakataon upang makapag-isip, upang panandaliang umatras mula sa bilis ng buhay at makasama ang kani-kanilang mga minamahal. Gayunman, marami ring nag-aalala hinggil sa hindi tiyak na hinaharap, mga trabahong maaaring mawala at iba pang mga maaaring kahinatnan dulot ng kasalukuyang krisis," mga salitang sinambit ni Papa Francis noong nakaraang Pista ng Pagkabuhay ng ating Panginoon.
Dagdag pa niya, "Hinihikayat ko ang mga pinuno sa larangan ng pulitika na aktibong kumilos para sa kabutihan ng lahat, humanap ng mga paraan upang mabigyan ang lahat ng isang marangal na pamumuhay sa kabila ng paghihirap, at kung pinahihintulutan ng mga pangyayari, na tulungan silang magpatuloy sa kanilang normal na pang-araw-araw na gawain."
II-click ang link na ito: Vatican, para sa kumpletong mensahe ng Santo Papa.